Bakit itinuturing na isa sa mga pinagpipitagang pelikula ni Direktor  Ishmael Bernal ang Manila By Night (Regal Films, Inc.)? Ating balikan  ang pelikulang umani ng papuri mula sa mga kritiko noong taong 1980.  Kilala si Bernal sa paggawa ng mga pelikulang puno ng iba't-ibang  pangunahing tauhan. Tahasang isinaad sa pelikula ang suliraning pang  lipunan sa kalakhang Maynila. Mula sa isang simpleng tinedyer (William  Martinez) na anak ng dating putang nagbagong buhay (Charito Solis)  hanggang sa isang tomboy na drug pusher (Cherie Gil), may bulag na  masahista (Rio Locsin), nariyan din ang taxi driver (Orestes Ojeda), ang  kabit niyang nagkukunwaring nars (Alma Moreno), mayroon ring  probinsyanang waitress (Lorna Tolentino) at ang baklang couturier  (Bernardo Bernardo) na bumubuhay sa kanyang pamilya. Iba't-ibang buhay  ng mga taong pinagbuklod ng isang malaking siyudad. Tinalakay ng  pelikula ang problema sa droga, prostitusyon, relihiyon at kahirapan na  magpasahanggang ngayon ay mga suliraning hinahanapan pa rin natin ng  solusyon. Maraming nagkumpara ng Manila By Night sa obra ni Direktor  Lino Brocka ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Kung saan nagkulang ang  pelikula ni Brocka ito naman ang landas na tinahak ng obra ni Bernal.  Hindi lamang nito ipinakita ang lumalalang situwasyon ng kahirapan sa  Maynila sa halip ay hinarap nito ang ibang mga isyung hindi tinalakay sa  pelikula ni Brocka. Sa aspetong ito mababanaag ang malaking pagkakaiba  ng dalawang pelikula. Kung panonoorin sa ngayon ang Manila By Night  masasabing may kalumaan na ang tema nito, di tulad ng unang ipinalabas  ang pelikula sa mga sinehan. Matatandaang kinatay ito ng Board Of  Censors sa utos na rin ng Unang Ginang na si Imelda Marcos dahil taliwas  ito sa imahe ng Maynilang ipinagkakapuri ng administrasyong Marcos.  Halos lahat ng linya sa pelikulang sinabi ang katagang Maynila ay  pinutol. Pati na rin ang mga maseselang eksena sa pelikula ay iniklian o  kaya ay tuluyang ginunting ng opresibong sensura. Hinarang din ng  gobyerno ang dapat sanang pagpapalabas ng Manila By Night sa Berlin Film  Festival.
Makaraan ang dalawampu't anim na taon mula ng ipalabas ang Manila By  Night ay masasabing halos walang binago ang panahon kung susuriin natin  ang mga suliraning pang lipunan ng Pilipinas. Nariyan pa rin ang  problema sa mga ipinagbabawal na gamot, ang prostitusyon at kahirapan.  Sino ba talaga ang dapat sisishin sa lahat ng mga ito? Ang pamahalaan  ba? Tayong mga mamayan? Hanggang ngayon wala pang sagot sa mga tanong na  ito. Nararapat nating pasalamatan ang mga direktor na tulad ni Ishmael  Bernal na sa pamamagitan ng paggawa ng mga obrang tulad ng Manila By  Night, isang pelikulang nagmulat sa ating kaisipan sa suliranin ng  bansang Pilipinas.
http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com/2006/04/pagkagat-ng-dilim-manila-by-night.html
 
A man's country is not a certain area of land, of mountains, rivers, and woods, but it is a principle; and patriotism is loyalty to that principle.
ReplyDeleteA man's feet must be planted in his country, but his eyes should survey the world.
ReplyDeleteEqual rights for all, special privileges for none.
ReplyDeleteFreedom is nothing but a chance to be better
ReplyDeleteHeroism on command, senseless violence, and the loathsome nonsense that goes by the name of patriotism - how passionately I hate them!
ReplyDelete